Mga miyembro ng CPP-NPA-NDF, napapanahon na ang katapusan —Pastor Apollo

Mga miyembro ng CPP-NPA-NDF, napapanahon na ang katapusan —Pastor Apollo

NAKIKIISA si Pastor Apollo Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ sa pagtugis sa mga natitira pang miyembro ng CPP-NPA-NDF matapos itong ideklarang terorista ng pamahalaan.

Tuluyan nang tinawag na terorista ang CPP-NPA-NDF sa ilalim ng pagtitibay ng Anti-Terrorism Council.

Ayon kay Pastor Apollo, dapat noon pa ito nalipol ngunit bigo ang mga nagdaang administrasyon na sugpuin ang mga leftist groups sa bansa.

Kasabay nito ang panawagan sa pamahalaan na agad na tugisin ang mga natitira pang kasapi ng mga armadong grupo na ito.

“It’s high time na dapat noon pa yan eh. So lahat ng may kinalaman sa funding ng mga grupo na yan under our laws habulin na yan ng gobyerno. Ito na ang totohannng paglansag ,” pahayag ng butihing Pastor.

Personal na pinasalamatan ng butihing Pastor ang Duterte Adminstration dahil sa sinseridad nito na puksain ang kahalintulad na organisasyon na siyang sumisira sa maraming innosenteng sibilyan hanggang sa nauuwi sa pagkasira ng kanilang mga kinabukasan

“Talagang nagpapasalamat tayo sapagkat nagkaroon na ng batas na ganito at ito yung idineklare  na terrorist group itong NDF na sumasaklaw sa maraming front organizations nila na silang kumakatawan sa adhikain nilang komunista na ang layunin ay pabagsakin ang gobyerno sa isang armado at madugong pamamaraan,” ayon kay Pastor Apollo.

Samantala, bukod sa tagumpay ng pamahalaan sa insurhensiya, patuloy din ang panalo ng NTF-ELCAC dahil sa sunud-sunod na pagbabalik-loob sa pamahalaan ng mga dating rebelde at pagdeklara ng CPP-NPA-NDF sa iba’t ibang komunidad sa bansa bilang mga persona non grata.

Nito lamang Miyerkules, isang pulong ang pinangunahan ng maraming pinuno ng Mamanwa Indigenous Peoples sa Agusan del Norte at Surigao del Norte.

Ang nasabing pulong ay bilang pagkondena sa dominasyon ng mga NPA sa kanilang lugar at mula  sa pinagsama-samang panawagan, idineklara ng mga taga Mamanwa ang CPP-NPA-NDF bilang persona non-grata.

Ayon  kay Datu Eddie “Bawang” Ampiyawa, mahalaga ang paninindigan ng kapwa nitong katutubo na huwag nang tangkilikin ang anumang inaalok na ugnayan ng mga rebeldeng grupo sa kanilang ancestral domains o katutubong lupain.

Naniniwala si Ampiyawa na hindi na muling manghihimasok ang mga NPA sa mga teritoryo ng katutubong Mamanwa oras na makita ng mga rebelde ang pagkakaisa ng mga ito laban sa mga makakaliwang adhikain.

Samantala, ayon kay Cong. Maria Angel Matba ng Cabadbadran, Agusan del Norte, dapat manatili ang init ng mga taga Mamanwa na iwaksi ang karahasan at pang-aabuso sa kanilang lugar na kagagawan ng mga NPA.

“Mismo kita sa tribo sa Mamanwa naa gyud tay kagubot, wala tay kahiusa mao nay gamiton sa mga NPA. Angay gayud nga mausa ang tribo.Ang importante sa ako makita nako nga nagkahiusa mo, kusog mo [Tayo mismo sa tribo sa Mamanwa mayroon tayong mga kaguluhan, wala tayong pagkakaisa na siyang gagamitin ng NPA. Nararapat lang na magkaisa ang tribo. Ang mahalaga sa akin na makikita ko kayong nagkakaisa, malakas kayo],” ayon kay Matba.

Nangako naman si Maj. Roger Gersava, Battalion Executive Officer ng 29IB na patuloy ang ugnayan nila sa mga katutubong Mamanwa upang matiyak ang seguridad ng mga ito.

“Your concern is your protection, why not join us in protecting you. You can protect yourselves as you are protecting the community. We have quota for our CAAs, in this way you can protect yourselves aside from rejecting the NPA and pushing them out of your area by not supporting them,”ayon kay Gersava.

SMNI NEWS