Mga miyembro ng MILF na pinaghahanap ng batas, pinasusuko ng PNP

Mga miyembro ng MILF na pinaghahanap ng batas, pinasusuko ng PNP

NANAWAGAN si PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) na isuko ang mga miyembro nilang pinaghahanap ng batas.

Ito ay upang maipakita ng grupo ang kanilang sinseridad sa usapang pangkapayapaan.

Ayon kay Azurin, nililikom na nila ang mga warrant of arrest upang maiprisinta sa MILF.

Kailangan aniyang tuparin ng MILF ang kanilang tungkulin na ipatupad ang batas bilang bahagi ng gobyerno.

Una nang kinukwestyon ni Azurin ang patakaran na kailangan nilang magpaalam sa tuwing papasok sa lugar ng MILF para makapagsagawa ng operasyon o magsilbi ng warrant of arrest.

Follow SMNI NEWS in Twitter