“ANG taumbayan na ang bahalang humusga sa naging performance ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nakalipas na limang taong pamumuno nito sa bansa.”
Ito ang inihayag ni Senator Christopher ‘Bong’ Go sa panayam ng SMNI News.
Ayon kay Senator Go, mismong ang mga taumbayan ang nakararanas kung paano ang seguridad ng kanilang pamumuhay sa ilalim ng administrasyong Duterte.
“Ngayon, after five years, magiging biased naman po ako kung sasabihin kong ganito ang nagawa nya. Tanungin nyo nalang po ang taumbayan kung nakakalakad na ba sila dyan- mga anak natin, pupunta sila ng convenience store, nakakabili sila at hindi nababastos.’Yung mga nag-aaral ‘yung mga anak natin, nakakauwi sa gabi na hindi nababastos at hindi po nasasaktan ng mga adik,” ani Go.
Matatandaan na kabilang sa ipinangako ni Pangulong Duterte nang umupo ito bilang presidente ay ang sawatain ang korapsyon sa gobyerno, kriminalidad, iligal na droga at insurhensya sa bansa.