INIHAYAG ni AnaKalusugan Partylist Representative Mike Defensor na dapat sundan ng susunod na administrasyon ang mga proyekto ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sa programang Point of Order sa SMNI News Channel, sinabi ni Defensor na ang mga proyekto na ginawa ni Pangulong Duterte ay ramdam ng mga Pilipino kung kaya’t dapat itong ipagpatuloy at kung kakayanin ay higitan pa.
Ayon pa kay Defensor, ang noo’y mistulang pinagkakakitaan ang mga Pilipino sa mga oligarko sa bansa ay napahinto ni Pangulong Duterte, bagay na dapat rin umanong tularan ng susunod na mamamahala ng Pilipinas.
Samantala, mataas ang benchmark na ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pamamahala ng isang bansa.
Ayon din kay Deputy Speaker Dante Marcoleta, kung hindi lang nanalasa ang COVID-19, tiyak na maunlad ang bansa dahil sa una aniyang apat na taon ng panunungkulan nito ay sustained economic growth.
Biro pa ni Marcoleta, hindi lang aniya mahilig mag-broadcast ng mga nagawa ang administrasyon kung kaya’t may mga proyekto na hindi alam ng iba lalo na ang mga kritiko.
Isa sa pinakanagustuhan ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta sa mga kaunlarang naidulot ng Administrasyong Duterte sa bansa ay ang Build Build Build Program.
Ibinahagi ni Marcoleta na batay sa sukat ng United Nations, ang bahagi o share na karapat-dapat sa infrastructure mula sa Gross Domestic Product (GDP) ay hindi bababa sa 5%.
Subalit sa mga nakaraang administrasyon dito sa Pilipinas, hindi man lang aniya umaabot sa 3% ang share ng infrastructure.