Mga nais ibalik ang peace talks, lihim na kaaway ng bayan—Panelo

Mga nais ibalik ang peace talks, lihim na kaaway ng bayan—Panelo

LIHIM na kalaban ng bansa ang sinumang pasimuno para magkaroon muli ng peace talks sa pagitan ng pamahalaan at mga rebeldeng komunista.

Ito ang komento ni dating Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo sa kaniyang programa sa SMNI News hinggil sa ulat na nagkaroon ng joint statement sa Oslo, Norway noong Nobyembre 23, 2023 ang Pilipinas at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) tungo sa umano’y mapayapang resolusyon.

Ayon pa sa NDF, saklaw sa reresolbahin o tatalakayin ngayong may kasunduan sila sa pagitan ng pamahalaan ang isyu hinggil sa tinagurian nilang NDF consultants at political prisoners.

Maging ang pagtanggal sana sa “terrorist” designation ng NDF at ang pagpapabuwag sa NTF-ELCAC ng isang United Nations Rapporteur.

Sinabi ni Panelo, mas epektibo ang naging solusyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung saan binuo nito ang NTF-ELCAC para mailapit ang serbisyo ng pamahalaan hanggang sa malalayong lugar.

Ngayon, mistulang nagkaisa na ang Kamatayan Bloc, liderato ng Kamara at isang senadora upang isuko ang kasarinlan ng Pilipinas.

Isa pang halimbawa ani Panelo rito ang pagnanais nilang bumalik bilang miyembro ng International Criminal Court (ICC) ang Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble