Modernong public market ni dating Pangulong Duterte, binuksan sa Davao City

Modernong public market ni dating Pangulong Duterte, binuksan sa Davao City

BUKAS na sa publiko ang bagong Agdao Farmers Market sa Davao City.

Moderno, malinis, at maluwag ito.

Nakausap namin si Ginang Virgie na matagal nang tenant sa palengke kahit noon pang panahon sa luma nilang puwesto.

Ayon sa kaniya, mainam ang programa ng siyudad na magtayo ng bagong public market.

“Dito maganda kasi malinis na, tapos wala nang mga daga at cockroach,” saad ni Virgie Mata, Tenant sa Agdao Farmers Market.

Dagdag pa niya, kahit lumakas man ang ulan ay safe nang mamalengke dahil sa bagong puwesto.

Ngayong buwan lamang ito binuksan sa publiko at patuloy na pinapanatili ang kalinisan ng tenants.

Ang proyekto ay dahil kay former City Mayor at President Rodrigo Duterte at ni Vice President Sara Duterte.

“The project started during the time of former President Rodrigo Roa Duterte so that means si former Mayor and now Vice President Inday Sara was the mayor so ayun. The funds were provided by the Department of Agriculture,” ayon kay Gerardo Castillo, Market Supervisor.

Humigit-kumulang P700-M ang budget ng nasabing proyekto.

Nagsimula naman itong gawin bago mag COVID-19 pandemic.

Samantala, nanawagan naman ang tenants ng public market lalo ‘yung mga taga-2nd floor na ayusin sa lalong madaling panahon ang walkalator ng pasilidad.

Mahirap anila kasi ang benta ng mga taga-ikalawang palapag dahil walang walkalator.

Request din nila na habaan ang operating hours ng elevator.

Bukas anila kasi ito alas otso ng umaga hanggang alas-kuwatro lamang ng hapon.

“Sa kita? Medyo mahina dahil sa wakalator at saka elevator. (Kung masosolusyunan yun matik? Tataas ang kita?) Aw, medyo kung may elevator na at may walkalator,” saad ni Dolores Gonzaga, Presidente ng Dry Goods at Variety Section.

“Kindly bear with us because we are adjusting and we still lack personal and I hope truly we can address that this week,” wika ni Gerardo Castillo, Market Supervisor.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter