Mga nakatira sa paligid ng Bulkang Mayon, inabisuhan sa posibleng lahar dahil sa Bagyong Kristine

Mga nakatira sa paligid ng Bulkang Mayon, inabisuhan sa posibleng lahar dahil sa Bagyong Kristine

MAY babala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa mga residenteng nasa paligid ng Bulkang Mayon sa Albay.

Anila, posibleng magkaroon ng lahar flow dahil sa posibleng malakas hanggang matinding pag-ulan na dala ng Bagyong Kristine.

Dahil dito, dapat mas maging mapagbantay ang mga residenteng nakapaligid sa paanan ng bulkan lalo na ang mga nasa lahar prone area.

Kabilang sa mga posibleng daanan ng lahar ang Miisi, Binaan, Anoling, Quirangay, Maninila, Masarawag, Mulad-Bucad, Nasisi, Mabinit, Matanag, Bonga, Buyuan, Basud, at Bulawan Channels.

Hinimok din ng PHIVOLCS ang mga lokal na pamahalaan sa paligid ng mayon na magsagawa ng pre-emptive measures para matiyak na walang mapapahamak sa pananalasa ng bagyo.

Sa ngayon, nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang Mayon kung saan posible ang pagputok ng steam o phreatic explosions at rockfall mula sa tuktok ng bulkan.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble