Mga nawawalang sabungero, umakyat na sa 20 ayon sa PNP

INIULAT ng Philippine National Police (PNP) na maliban sa 10 na nawawalang sabungero sa Laguna at Maynila, may 10 sabungero rin ang nawawala sa Bulacan.

Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) chief Police Brigadier General Roderick Alba, pinaigting na ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang imbestigasyon sa mga nawawalang indibidwal.

Nabatid na mahigit 8 buwan nang nawawala ang 10 sabungero sa Bulacan.

Nanggaling din ang mga ito sa kaparehong cockfighting arena sa Sta. Cruz, Laguna na pinuntahan ng iba pang nawawalang sabungero.

Inaalam na ng pulisya kung may koneksyon sa isa’t isa ang insidente.

Umapela ang CIDG sa mga may-ari ng cockfighting arena na makipagtulungan sa imbestigasyon upang matukoy ang mga posibleng handler o financier ng mga sabungero.

SMNI NEWS