Mga negosyante sa Hong Kong, hiniling ang malayang paglalakbay

Mga negosyante sa Hong Kong, hiniling ang malayang paglalakbay

HINILING ng financial industry sa gobyerno ng Hong Kong na payagan ang mga empleyado sa sektor ng pananalapi na makapaglakbay nang malaya at hindi na kinakailangang dumaan sa mga restriksyon.

Nanawagan ang Alternative Investment Management Association (AIMA), na higit pa ang dapat gawin ng pamahalaan upang mapanatili bilang pangunahing rehiyon sa global market ang lungsod.

Anila, ang paghihigpit sa paglalakbay at pagsasara ng mga border ang nagpapahirap sa mga residente sa nakalipas na 2 taon dahilan ng kinakaharap na pagkalugi ng ilang mga negosyante.

Ang Chinese Special Administrative Region ay ang pinakamalaking Hedge Fund Center sa Asia at higit sa kalahati ng mga pangunahing pondo ay hindi bababa sa US$1 bilyon na nasa ilalim ng pamamahala ng rehiyon na matatagpuan sa Hong Kong.

Matatandaan na ang Hong Kong ay isa sa iilan lamang na lungsod sa mundo na nagpapatupad ng 7 days quarantine sa mga itinalagang hotel para sa mga papasok na manlalakbay.

Follow SMNI NEWS in Twitter