WALANG nakikitang rason si Chef Patrick Co para hindi umusbong ang mga negosyo rito sa Davao City.
Sa kabila ito ng mga negatibong balita na nauugnay sa siyudad kamakailan.
Kasama na diyan ang paninira sa mga Duterte, pagmamasama sa war on drugs, pagpapalit-palit ng hepe ng Davao City Police lalo na ang panggigipit sa mga taga-Kingdom of Jesus Christ – partikular na sa spiritual leader nitong si Pastor Apollo C. Quiboloy. Lahat ng ito, may masamang dating sa siyudad.
“I’m from Davao, I don’t really feel it here. I can guarantee that there’s nothing to be scared of here in Davao, it’s still normal,” ayon kay Chef Patrick Co, Davao Businessman.
Bilang patunay, magbubukas ng pangatlong restaurant sa Davao si Chef Patrick.
Hudyat ng magandang ugnayan ng lokal na pamahalaan at ng business sector.
“I suggest even at night, go out! Di ba? ‘Yan naman ang sabi ni Tatay Digong natin di ba? Go out! 11pm-12 in the midnight, lakad ka! Walang gagalaw sayo. And I think right now you can still do that so I don’t think you should be afraid,” ani pa ni Co.
Ganito rin ang sentimyento ng mayorya ng taga-Davao City Council.
Ayon kay City Councilor Tek Ocampo, walang dapat na ipangamba ang potential investors na pumasok sa siyudad.
“Marami ngang gustong mag-invest dito eh sa Davao City. I don’t see any problem, I don’t see any issues so far as far as you know ‘yung kanilang seguridad, sigurado ba ‘yung kanilang negosyo dito—maraming gustong mamuhunan sa siyudad ng Dabaw, iyan ang klaro,” ayon kay Councilor Tek Ocampo, Davao City, 1st District.
Batid naman ng mga mamamayan ng Dabaw na pinupolitika ng National Government ang kanilang siyudad.
Nariyan ang mga pag-aatake kay dating Davao Mayor ngayon Vice President Sara Duterte.
Kamakailan sinabi ni Davao City Mayor Baste Duterte na may balak umano ang National Government na siya’y patawan ng suspension order.
Ngunit sa kabila nito, wala umanong makakapigil sa economic boom ng Dabaw.
“Alam mo ‘yan ang problema sa atin eh, ‘pag pinupulitika na tayo eh. Pero ang maganda lang dito alam na ng taumbayan kung ano ang katotohanan. People who really lived in Davao City, who invested in Davao City, who have businesses in Davao City—they feel safe. And they feel assured that their business will not be affected by all of these things that’s happening around,” ani Ocampo.