NAGSAGAWA ng site inspection ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa Malituek Bridge sa Ilocos Norte na nilikha para mapabilis ang kalakal ng mga Ilokanong magsasaka.
Ang naturang tulay na matatagpuan sa Brgy Buduan, Burgos Ilocos Norte ay bahagi ng Nagsurot Agrarian Reform Community (Arc).
Bahagi rin ito, ayon kay DAR Ilocos Regional Director Primo Lara, ng ipinangako ni DAR Secretary Bernie Cruz na tugunan ang mga pangangailangan ng Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).
Ani Lara layon ng tulay na mapagaan ang pagdadala ng mga ani ng mga magsasaka mula sa kanilang mga sakahan patungo sa pamilihan upang maibenta nila ito sa patas na presyo at madagdagan ang kanilang kita.
Enero 12, 2021 nagsimula ang konstruksyon ng 28.8-meter single-span double-lane na tulay at nagdudugtong na ngayon sa mga kalapit na barangay kung saan nakatira ang mga ARBs.
Kasalukuyang itong pakikinabangan, ayon kay Lara, ng nasa 400 na mga residente, 196 ARB-households at mga karatig-nayon, ani Lara.
Ipinapatupad ang nasabing PHP P 7,331,423.17 worth bridge sa ilalim ng Tulay ng Pangulo Para sa Kaunlarang Pang-Agraryo (TPKP) katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang lokal pamahalaan ng Burgos, Ilocos Norte.
Kasama sa proyekto ng TPKP ang pag-install at pagtatayo ng mga “universal bridges” sa mga priority ARCs na magsisilbing kanilang road networks patungo sa mga pangunahing pamilihan.
Nagpahayag ang mga ARBs ng kanilang pananabik sa pagkakatayo ng tulay upang makonekta ang kanilang barangay sa mga karatig na nayon at mabawasan ang oras ng kanilang pagbibiyahe, gastusin at pagod.
Ang DAR, sa pamamagitan ng Foreign Assisted and Special Projects Office (FASPO), ay nakapagtayo na ng 177 bridge project sa buong bansa. At sa proyektong ito, may kabuuang 10,436 linear meters, na ang naipinatupad sa ilalim ng proyektong TPKP.