Bagong mukha ng Port of Lucena, pinasinayaan ng DPWH

Bagong mukha ng Port of Lucena, pinasinayaan ng DPWH

PINANGUNAHAN ni Transport Secretary Art Tugade ang pagpapasinaya sa bagong mukha ng Philippine Port Authority building o Port of Lucena City sa probinsiya ng Quezon.

Binisita din ni ng kalihim ang pagsasaayos ng PNR Bicol, mula Lucena hanggang Matnog.

Mula sa maliit at limitadong pasilidad, biniyayaan ng bagong mukha ang Port of Lucena sa Quezon Province.

Ito’y sa pangunguna at pakikipagtulungan ng Department of Transportation at Philippine Ports Authority ng lungsod.

Mula dito, inaasahan na mapapaganda ang lokal na ekonomiya at komersiyo hindi lang sa lugar kundi maging sa karatig na mga probinsiya gaya ng Romblom at Marinduque.

Hindi lang sa mga kalakal inaasahang mapapabuti ang ekonomiya dito kundi maging ang maayos na pagbiyahe patungo sa iba’t-ibang lugar ng paghahanap buhay.

‘’Ito po ay napakalaking factor…napakalaking bagay po,’’ayon kay Mayor Roderick Alcala.

‘’Mula sa bundok peninsula …kapag napakaganda ang pagpapaayos…mababang vost ng ating pagkain,’’ayon naman kay Governor Danilo Suarez.

Sa ilalim ng Build Build Build program ng Duterte administration muling iginiit ni Tugade na nananatili ang mandato ng kanilang kagawaran na tulungan ang lahat ng lokal na pamahalaan sa bansa sa pagpapaangat ng pamumuhay ng mga pilipino sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga imprastruktura tungo sa mas mabilis na palitan ng kalakal at serbisyo.

‘’Ok ang building natin…fluid ang paglago ng ating ekonomiya,’’ayon kay Sec. Arthur Tugade.

Samantala, personal din na binsita ng DPWH ang pagsasaayos ng South Long Haul project o kilala bilang PNR Bicol o Bicol Express mula sa probinsiya ng Laguna.

Isa sa mga inenspeksyon ang pinakaabangang PNR Lucena Station, na kabilang sa 35 istasyon ng PNR Bicol.

Layunin ng PNR Bicol na ikonekta ang Metro Manila sa mga lalawigan sa Southern Luzon gaya ng Laguna, Quezon, Camarines Sur, Sorsogon, at Batangas.

Oras na matapos na ang proyekto, magiging anim na oras na lamang ang biyahe mula Manila hanggang Bicol gamit ang regular trains.

Samantalang, 4.5 oras naman gamit ang Express trains.

Malaking bawas ito kumpara sa dating 14-18 oras na travel time.

Tinatayang aabot sa 3,749 direct jobs at 25,000 indirect jobs ang maibibigay ng PNR Bicol.

Tiyak na mas magiging kumbinyente at episyente na ang galaw ng tao at produkto oras na mabuksan ito at lalago rin ang turismo at ekonomiya ng Southern Luzon.

SMNI NEWS