Mga obispong kumakampi sa CTGs, muling pinangaralan ni Pastor Apollo C. Quiboloy

Mga obispong kumakampi sa CTGs, muling pinangaralan ni Pastor Apollo C. Quiboloy

PINASARINGAN muli ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang mga obispong kumakampi sa teroristang grupong CPP-NPA-NDF.

Muli rin nitong kinondena ang iligal na paggamit ng mga ito sa salita ng Diyos.

Matatandaan na kamakailan ay naglabas ng pahayag ang Pilgrims for Peace upang manawagan ng kapayapaan at hustisya.

Nabanggit nito ang SMNI na nang-re-red-tag umano sa kanila dahil sa pagsisiwalat ng ugnayan nila sa CPP-NPA-NDF.

Gumamit din ito ng bersikulong Isaiah 26:12 sa pagtatanggol umano nila sa biktima ng inhustisya sa bansa.

Sa programang Spotlight nitong Miyerkules, Marso 1, tinawag na baluktot ni Pastor Apollo ang kausa ng mga naturang obispo dahil walang ibang ginawa kundi kondenahin ang mga isyu laban sa pamahalaan ngunit hindi naman kinokondena ang kasamaan ng CPP-NPA-NDF.

Pinayuhan din ng butihing Pastor ang mga obispo na huwag ibato sa SMNI ang kapayaan at hustisya na hinihingi nila kundi sa mga NPA na sumisira sa kapayapaan ng ating bansa.

“Do not talk to us about it, talk to the NPA about it. Do not address to us, we are law abiding. Address it to the outside of the law, kayo mga NPA. Sila ang mga gumagawa ng injustices, sila ang bumubulabog sa kapayapaan na kung saan meron kapayapaan, bubulabugin nila, papatay sila doon. So, ikaw bishop i-address mo, Alminaza e di i-address mo doon sa mga NPA, ‘wag dito sa SMNI at ‘wag dito sa ating bayan na nagpapasakop sa batas,” pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, Kingdom of Jesus Christ.

Bukod dito, binigyang-diin ni Pastor Apollo na kailanman ay hindi mananagumpay ang CPP-NPA-NDF dahil walang rebolusyon na mananatili kung walang pagbabago sa mismong loob ng tao.

 “‘Yung mga rebolusyong ganito, hindi mananatili ‘yan. Itong CPP-NPA-NDF puro terorismo o ano pa man mga kapangyarihang itinutulak ang power, power of the gun, power of the cannon, power of the bomb, ‘yun ang gagawin mong pananakot. Ang tao mapapatay mo, pero ‘pag hindi mo nabago ang kaloob-looban ng tao, babalik pa rin ‘yan,” ayon sa butihing Pastor.

Follow SMNI NEWS in Instagram