Mga opisyal ng gobyerno na humihimok kay PBBM na ipagpatuloy ang peace talk sa kalaban ng estado, tinawag na ahas ni Pastor Apollo

Mga opisyal ng gobyerno na humihimok kay PBBM na ipagpatuloy ang peace talk sa kalaban ng estado, tinawag na ahas ni Pastor Apollo

TINAWAG ni Pastor Apollo C. Quiboloy na ahas ang mga opisyal ng gobyerno na humihimok kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng teroristang grupong CPP-NPA-NDF.

Ito’y batay sa napabalitang mayroon mga opisyal ng pamahalaan na umano’y hihimukin si PBBM na magpadala ng envoy sa The Netherlands kung saan naroroon ngayon ang founder ng teroristang grupong CPP-NPA-NDF na si Joma Sison.

Sa kanyang programang Sounds of Worship, sinabi ni Pastor Apollo na traydor at ahas ang mga opisyal ng gobyerno na mga ‘NPA lover’.

Hayagan ding sinabi ni Pastor Apollo na ikokondena niya ang mga opisyal ng gobyerno na gagawa ng hakbang na ito na mistulang kinilala pa si Sison.

Dahil dito, binigyang-diin ni Pastor Apollo na dapat nang umalis sa gobyerno ang mga opisyal na ito.

Muling nilinaw ng butihing Pastor na sa kabila ng magagandang programang iprinisenta ng CPP-NPA-NDF bilang kanilang panlilinlang sa publiko ay iisa pa rin ang kanilang motibo at end game – ang pabagsakin ang kasalukuyang gobyerno ng Pilipinas at palitan ito ng gobyernong sila ang mamumuno.

Follow SMNI NEWS in Twitter