Mga pangunahing sementeryo, pantalan at terminal, ininspeksiyon ng PNP

Mga pangunahing sementeryo, pantalan at terminal, ininspeksiyon ng PNP

MISMONG si PNP Chief General Rodolfo Azurin, Jr. ang nanguna sa pag-iikot sa mga pangunahing lugar  kabilang ang sementeryo, port, paliparan, at bus terminal sa National Capital Region (NCR) na kadalasan ay dagsa ang mga tao lalo na ngayong panahon ng undas.

Mula sa Manila North Cemetery, tinungo rin ng hepe ang port area sa Maynila, land port at maging sa paliparan.

Sa kabuuan, maayos naman aniya ang naging latag ng seguridad mula sa mga nagtutungo sa mga sementeryo hanggang sa mga pasahero ng mga paliparan at bus terminals.

“We visited po ‘yung North Cemetery, ‘yung pier, PITX and then Terminal 2 and Terminal 3 and now we are here po sa Cubao. So far naman po maayos naman ang mga proseso sa sementeryo, sa daloy ng mga pasahero po. We expect na starting this afternoon baka magdagsaan na ‘yung mga pasahero natin na uuwi sa mga probinsiya. So, we ask po ‘yung ating kapulisan magtulung-tulong tayo para sa isang maayos na proseso para walang madudukutan, walang mananakawan. And then ‘yung mga sharp objects po i-inspect natin nang maigi. And then we remind the drivers and the conductors to take it easy in driving to ensure na makarating sila sa kanilang destination nang maayos,” pahayag ni Azurin.

Giit ng PNP, bunga ito ng matagal nang paghahanda ng kanilang hanay para matiyak na walang anumang iregularidad na mangyayari habang ginugunita ang undas ngayong taon.

“Ito kasi ‘yung first in two years ano. So, siguro ‘yung coordination po ng all different agencies, ‘yung ating mga bus terminal managers. So, they expected na talagang maraming magdadagsaan so siguro sa preparation na isinagawa nila kinonsider nila ‘yung dati naman na nilang ginagawa. So, it’s just reminding everybody na ito pabalik tayo sa normal so we have to start reorienting ulit ang ating sarili,” ayon kay Azurin.

Sa kabila ng unti-unting pagbubukas ng ekonomiya at malayang pagbabalik ng aktibidad ng mga tao, dahil sa bumababang kaso ng COVID-19 sa bansa, patuloy ring pinapaalalahanan ng PNP ang publiko na maging mapagmatyag sa paligid.

Agad ding isumbong sa mga kinauukulan ang mga namamataan kahina-hinalang kilos para agad na marespondehan.

“With the cooperation of everyone specially ‘yung mga the community itself, ‘yung mga commuters natin as well ‘yung mga pumupunta sa sementeryo, we keep on reminding sa mga maglo-long weekend po. We will take advantage ‘yung very long weekend na opportunity na ‘to i-ensure po nila na naka-padlock, may nagbabantay sa kanilang respective residences, and then i-report po sa mga pulis o sa mga security guard ‘yung mga kaduda-duda po na mga paikot-ikot po sa ating mga barangay o sa mga community,” ani Azurin.

Ayon sa PNP, mananatiling naka-heightened alert ang kapulisan hanggang Nobyembre 2 upang matiyak na magiging maayos at tahimik ang paggunita ng undas ngayong taon.

 

BASAHIN: 10-K Police personnel, i-dedeploy sa mga sementeryo sa NCR sa araw ng Undas –NCRPO

Follow SMNI NEWS in Twitter