Mga pasahero, pinaalalahanan ng BI sa modus sa NAIA

Mga pasahero, pinaalalahanan ng BI sa modus sa NAIA

MULING pinaalalahanan ng Bureau of Immigration (BI) ang publiko laban sa patuloy na pagkalat ng modus sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito’y matapos nailigtas ang dalawang Pinay na muntik nang mabiktima ng mga pekeng Immigration account.

Batay sa report ng Immigration, isang Pinay ang nagpasaklolo ng verification matapos umanong harangin ang kaniyang Amerikanong kasintahan sa airport.

Sinabi aniya sa kaniya na kailangan nang magbayad ng P40-K penalty dahil sa undocumented foreign currency sa kaniyang bagahe o may hindi deklaradong pera sa kanilang bag.

Nilinaw naman ng Immigration na hindi sakop ng kanilang mandato o trabaho na pakialaman ang dalang pera sa bagahe ng mga dumadating na biyahero.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble