NITONG araw ng Miyerkules, wala nang naitalang kanseladong biyahe mula sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) para sa mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang probinsiya para gunitain ang Undas.
Gaya nina Wilfred, Rosalinda, at Gie na ilan lamang sa mga magbabakasyon sa kani-kanilang probinsiya.
Ilan din sa kanila ang nagplanong umalis nitong nakaraang linggo, ngunit naantala dahil sa Bagyong Kristine.
Ilang araw bago ang Undas, pinangunahan ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang pag-inspeksiyon sa PITX upang siguruhin ang kahandaan ng bus terminal sa darating na Undas.
Nabatid rin ng kalihim na maraming mga pasahero sa PITX ang naghahabol na makabiyahe matapos ang Bagyong Kristine.
Sinabi ni Corporate Affairs Officer ng PITX na si Kolyn Calbasa, inaasahan na aabot sa 1.4 milyong pasahero ang dadagsa mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 5 sa PITX.