Mga pasaway na mga motorista sa EDSA-Monumento, nasampulan ng I-ACT

Mga pasaway na mga motorista sa EDSA-Monumento, nasampulan ng I-ACT

NASAMPULAN ng I-ACT ang mga pasaway na mga motorista sa EDSA-Monumento.

Muling nag ikot ang Inter Agency Council on traffic (I-ACT) sa kahabaan ng Edsa partikular na sa mga bus station ng Monumento.

Kasama nilang nagbantay ang mga tropa ng Highway Patrol Group (HPG) at ilang tauhan ng Philippine Coast Guard (PSG).

Ayon kay Manuel Bonnevie na commander ng I-ACT na sa kanilang pagbantay marami ang nasampulan at natikitan kadalasan ay hindi kinakabit ang seatbelt sa mga pasaway na mga motorista.

“Nandito tayo ngayon sa Edsa ang suot po ng mga motorsiklo ay not shield that is not the standard po sa nag motorsiklo. Tapos sa mga motorista marami po hindi nagsusuot ng seatbelt iyan po ang madalas na nasisita. Meron po kanina nahuli isa na nag telepono,’’ayon kay Col. Bonnevie.

May multa naman na hindi bababa sa 1,000 peso ang ibibigay sa mga motoristang matitigas parin ang ulo.

‘’Sa atin pong mga motorist alalahanin po natin ang licensya ibinigay ngayon ay 10 years. We want to have the 10 years ng licensya, ingatan po natin na huwag po tayong mahuli. Pag tayo ay meron pong violation at accumulate ang huli iikli po iyon, hindi po nyo makukuha ang 10 years na ibinigay ng LTFRB ngayon. Kasi ang system ngayon pag humaba o dumami pa ng dumami ang violation natin ma reebok po iyong licensya nyo, because ang licensya po natin is only a previledge given to us,’’dagdag nito.

Ipinunto naman ni Bonnevie na kulang na kulang ang kanilang hanay na bantayan ang buong NCR dahil ang bilang lamang ng kanilang personnel na nagbabantay sa mga pangunahing kalsada ay nasa 95 lamang.

Sa huli hindi parin nawawalan ng pag-asa si Bonnevie na katagalan ay magbabago din ang mga ito.

Tuloy tuloy naman ang kanilang pag iikot at pagbabantay sa mga lansangan upang bantayan ang mga motoristang ayaw sumunod sa batas trapiko.

SMNI NEWS