NAIBALIK na ng mobile payments service na GCash ang nawalang mga pera sa e-wallet ng kanilang users.
Matapos ito sa insidenteng nangyari noong weekend kung saan nagkaroon ng process error sa kanilang sistema na nagresulta sa mga hindi awtorisadong transaksiyon.
Sa isang pahayag, sinabi ng mobile payments service na nananatiling ligtas ang accounts ng kanilang users sa kabila ng insidente.
Sinabi na rin nila na pagbubutihin ang sariling sistema para hindi na maulit pa ang pagkakaroon ng process errors.