Mga Pilipino na walang trabaho nitong Pebrero, nananatili sa 4.8%—PSA

Mga Pilipino na walang trabaho nitong Pebrero, nananatili sa 4.8%—PSA

NANANATILI pa rin sa 4.8% noong buwan ng Pebrero ang unemployment rate sa bansa ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sinabi ni National Statistician Dennis Mapa na noong Pebrero ay tumaas sa 51.27 milyong Pilipino na 14 taong gulang pataas ang nakikilahok sa nagpapatakbo ng negosyo.

Ibig sabihin, tumaas ito ng 2.67 milyon kumpara noong Pebrero 2022 at umangat naman ng 1.55 milyon kumpara nitong Enero 2023.

Noong Pebrero naman nasa 2.47 milyong Pilipino ang maaaring magtrabaho ngunit walang trabaho o negosyo.

Ibig sabihin, bumaba ito ng 651,000 kumpara sa datos noong Pebrero 2022 ngunit tumaas naman ito ng 102,000 kumpara nitong Enero 2023.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter