SA ikalawang pagkakataon, ginanap sa Cebu City ang pinakamalaking business awards ceremony ng World Class Philippines na dinaluhan ng mga world class companies, brands at individuals upang tumanggap ng pagkilala.
“Yes I’m so happy to be back in Cebu, we are very pleased because after COVID we are back, thank you so much for the support.”
“Where else? It’s the gateway and our friend in Luzon we’re very pleased, all the way from Isabela from Mindanao, Cagayan, Bohol…We got Bukidnon, Zamboanga, we got from New Zealand, ang saya! We’ve been happy na kompleto, lahat dumating and they were happy to be here in Cebu as expected. Cebu is very welcoming to all of us,” ayon kay Wilfredo Lemque, Director and Chairman, World Class Philippines.
Lubos ang pasasalamat ng mga awardees sa pagkilala ng World Class Philippines sa mga kababayan nating nagsisikap para umangat sa kabila ng mga napagdaanang hamon.
“Also I would like to thanks the councils of the World Class Philippines that you are part of our success, ito ang aking masasabi, let’s keep on pushing ourselves to the limit sapagkat without struggles in business we can’t say that our business is a success,” ayon naman kay Eddie Mahilum, Owner, Coach Eddie 10 In 1 Health Coffee.
Tulad na lang ng mag-amang Pepito at Philip Lagamayo, na nasungkit ang World Class Philippines Award in Outstanding Business Leadership ngayong taon dahil sa husay ng kanilang pamumuno sa larangan ng construction industry.
“This award is para sa mga kasamahan natin sa trabaho, sa staff, workers, engineers and all the stakeholders of the company,” para naman kay Philip Lagamayo, Vice President–Plus Construction Industries Corporation (PCIC).
Isa lang ang World Class Philippines sa mga award giving body na kumikilala sa galing at kapasidad ng mga Pilipino na nag-iwan ng pambihirang inspirasyon dahil sa kanilang pagsisikap.
“This award po is para sa inyo, hindi namin nakamit ito kung hindi dahil sa inyong pagtiwala, thank you and God Bless,” ayon kay Jonna O. Porta for Outstanding Entrepreneur, Top Emerging Marketing and Brokerage Firm.
“Salamat sa World Class Philippines, kay Director Wilfredo Limque, maraming maraming salamat, marami talagang natulungan hindi lang mga taga-Cebu sa buong Philipinas,” ayon kay John Geesnell “Baba” Yap, Former Tagbilaran City Mayor World Class Philippines Award in Outstanding Public Servant.
Ang taunang pagkilala ng World Class Philippines sa mga indibidwal at kompanya ay isa ring paraan upang mas lalo pang pagbutihin at palawakin ang kanilang impluwensiya at ambag sa lipunan.
“To all Cebuano friends businesses and supporters, daghang salamat, talagang I’m touched and pleased we are happy to be back here in Cebu and we are sure to be back. We will have it more and more and hopefully more businesses here in the province and the rest of Visayas and Mindanao.”
“Ako ay masaya at nagpasalamat sa Panginoon na mabigyan na naman ng parangal ang Skin 911, so maraming maraming Salamat.”
“Thank you sa mga naniniwala, specially sa mga client na patuloy pa ring nagtitiwala sa amin,” ayon kay Lemque.