Mga Pinoy na mangingisda sa WPS, dumarami na muli

Mga Pinoy na mangingisda sa WPS, dumarami na muli

DUMARAMI na muli ang mga Pinoy na nangingisda sa West Philippine Sea (WPS) ayon sa Bureau of Fisheries Aquatic Resources (BFAR).

Ayon kay BFAR Spokesman Nazario Briguera, naging susi dito ang presensiya ng gobyerno gaya ng Philippine Coast Guard sa rehiyon lalong-lalo na sa Panatag Shoal.

Tinatayang nasa 50% hanggang 60% ang itinaas nito batay sa pahayag ng ahensiya.

Samantala, sa naging launching ng LAYAG-WPS sa Zambales, isang programa kung saan namamahagi ng mga malalaking bangka, postharvest, at iba pa ay umabot na ng P60-M ang naibigay ng pamahalaan sa mga benepisyaryo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble