Pagtatatag ng VFA at pagpapalakas ng economic ties, tinalakay sa pulong nina PBBM at New Zealand PM

Pagtatatag ng VFA at pagpapalakas ng economic ties, tinalakay sa pulong nina PBBM at New Zealand PM

KASUNOD ng pagbisita ni New Zealand Prime Minister Christopher Luxon sa Pilipinas, ay nakatakdang lagdaan ng dalawang bansa ang enhanced defense agreements sa katapusan ng 2024.

Parehong nagbahagi ng kanilang seryosong alalahanin ang Pilipinas at New Zealand sa mga kamakailang pangyayari sa South China Sea.

Sa joint statement sa Malacañang nitong ika-18 ng Abril, kinilala nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at New Zealand Prime Minister Christopher Luxon ang international rules-based order.

Pinagtibay ng dalawang lider ang pangangailangan para sa lahat ng estado na ituloy ang mapayapang paglutas ng mga hindi pagkakaunawaan alinsunod sa internasyonal na batas.

Kabilang ang mga mekanismo ng pag-aayos ng hindi pagkakaunawaan sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Kinilala ng Pilipinas at New Zealand ang 2016 Arbitral Award, na nagpawalang-bisa sa pag-angkin ng China sa West Philippine Sea (WPS).

 

Follow SMNI NEWS on Twitter