Mga Pinoy sa Hong Kong binibiktima bilang surrogate mothers

Mga Pinoy sa Hong Kong binibiktima bilang surrogate mothers

NAGBABALA ang Philippine Consulate General sa lahat ng Pilipino sa Hong Kong laban sa inaalok na trabaho kung saan magsisilbi silang surrogate mother sa Georgia at iba pang bansa.

Sa isang abiso, sinabi ng konsulado na may natanggap silang ulat tungkol sa isang sindikato na tinatarget ang mga natanggal sa trabahong Migrant Domestic Workers (MDW) upang kumbinsihing maging surrogate mothers.

Dagdag pa ng konsulado, pagdating sa Georgia, may ilang MDW ang nagiging biktima ng paggagahasa at sapilitang pagpapalaglag.

Sa kabilang banda, binalaan na rin ang mga Pilipino laban sa mga visa fixer na nagpapanggap na kinatawan ng mga lehitimong employment agency.

Ayon sa ulat, sinisingil ng mga fixer ang mga DMW ng 20K–25K Hong Kong dollars kapalit ng kanilang serbisyo gaya ng paghahanap ng foreign domestic helper visa sponsor sa Hong Kong.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble