Mga polisiya kontra kahirapan ng gobyerno, ‘di epektibo—ekonomista

Mga polisiya kontra kahirapan ng gobyerno, ‘di epektibo—ekonomista

HINDI nagiging epektibo ang mga polisiya ng Marcos Jr. Administration para labanan ang kahirapan sa bansa.

Patunay dito ayon sa ekonomistang si Dr. Michael Batu ang latest survey hinggil sa self-rated poverty rate ng Social Weather Stations (SWS).

Nakikita naman ni Dr. Batu kung ano ang dahilan bakit hindi naging epektibo ang mga polisiya ng pamahalaan.

Aniya, kulang ito sa innovation o mga kakaibang programa na makatutulong upang masawata ang kahirapan.

Itinuturing ng 55% ng mga pamilyang Pilipino ang kanilang sarili bilang mahirap nitong Abril.

Ayon ito sa survey ng SWS na isinagawa mula April 11 hanggang 15, 2025.

Kung ikukumpara sa 52% o 14.4 milyon noong Marso, umabot na ito ng 15.5 milyon nitong Abril.

Nasa 12% naman ng mga pamilya ang nagturing sa kanilang sarili bilang ‘borderline’ o nasa pagitan ng pagiging mahirap at hindi mahirap.

Samantala, ang porsiyento ng mga pamilyang itinuturing ang kanilang sarili bilang hindi mahirap ay bumaba sa 32% mula sa 36% noong nakaraang buwan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble