Mga programang pangkalusugan gaya ng Malasakit Centers, malaking tulong sa mga Pilipino

Mga programang pangkalusugan gaya ng Malasakit Centers, malaking tulong sa mga Pilipino

Sa datos ng Department of Health (DOH), aabot na sa 15 milyong Pilipino ang natutulungan ng Malasakit Centers na proyekto ni Sen. Bong Go.

73% o pito sa bawat 10 Pilipino ang lubhang nag-aalala sa kanilang kalusugan.

Ito ang natuklasan ng grupong OCTA Research sa isang survey na isinagawa nito kamakailan.

Sa survey, lumalabas na ang top personal concern ng mga Pilipino ay ang pagiging malusog at ang makaiwas sa sakit.

Sinundan naman ito ng mga nagnanais na makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng trabaho at sapat na kita.

Mula dito, ayon kay Sen. Bong Go, ang chairman ng Senate Committee in Health, patunay lamang ang survey na ito na mahalaga para sa mga Pilipino ang maayos na serbisyong medikal at magandang benepisyo.

Hindi rin aniya kataka-taka lalo pa’t naging mainit at maingay ang reaksiyon ng publiko at marami ang patuloy na nagbabantay na mabunyag ang ilang palpak na polisiya ng PhilHealth tulad na lang ng kulang na benepisyo kahit sobra-sobra naman ang pondo ng ahensiya.

Sa lumipas na mga pagdinig ng Committee on Health, ilang beses sinermunan ni Sen. Go ang PhilHealth matapos niyang madiskubre ang ilang aniya’y anti-poor na mga polisiya nito.

Sabi ni Sen. Go, dahil kalusugan ang number one na personal concern ng mga Pilipino, dapat lamang na gawing prayoridad ng pamahalaan ang medical services katulad ng Malasakit Center.

Sa datos ng Department of Health (DOH), aabot na sa 15 milyong Pilipino ang natutulungan ng Malasakit Centers na proyekto ni Go.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter