PORMAL nang inilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang tatlong malalaking proyekto para sa sektor ng agrikultura.
Mismong si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang nanguna sa seremonya, hapon ng Lunes.
Ang mga proyektong ay pinondohan ng World Bank na layong maitaas ang antas ng pamumuhay at kita ng mga magsasaka at mangingisda sa bansa.
Kabilang na rito ang Philippine Fisheries and Coastal Resiliency (FishCoRe), Mindanao Inclusive Agriculture Development Project (MIADP), at Philippine Rural Development Project (PRDP) Scale-Up.
Sa kabuuan, aabot sa $920-M ang pondong inilaan ng World Bank para sa mga nabanggit na proyekto.
‘‘Ito ay napakalaking proyekto at malaki ang impact nito lalo na doon sa access doon sa pagtatayo natin ng necessary logistics, distributions facilities as well as ‘yung post-harvest natin, covering all major commodities ng ating sektor ganon din para tulungan ‘yung ating mahihirap na IP communities na nagtatrabaho sa sektor ng agrikultura,’’ ayon kay Asec. Arnel de Mesa Spokesperson, DA.
Sa mensahe na ipinadala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na binasa ni Sec. Laurel, makatutulong ang proyektong ito upang matiyak ang food security.
Para naman sa bagong kalihim, makaaasa aniya ang taumbayan na pagpupursigihan pa ng DA upang matulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa bansa.
‘‘The center of this transformation strategy are the government’s efforts developing agricultural sector. It is crucial but these indicatives are vital components of our economy, to side this we can lower food prices, achieve food security and to fight hunger, and poverty,’’ saad ni Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., DA.
‘‘As the new DA Secretary, I assured that I and the rest of the DA will continue to work very hard to cater to the needs of this crucial sector,’’ dagdag ni Laurel.
Samantala, nagpasalamat naman si Sultan Kudarat Gov. Datu Pax Ali Sangki Mangudadatu dahil kabilang ang kanilang probinsiya na magiging benepisyaryo sa mga naturang proyekto.
Kabilang na rito ang mga farm-to-market roads, agricultural infrastructure, irrigation projects.
‘‘Ang maganda po rito is that through PRDP programs of the national government in the DA ay lahat po ng mga programa ay nakaalay connecting one municipality to another, connecting one barangay to another even provinces to another province. So, ito po ay nagbubukas ng maraming daan para sa ating daloy ng mga kalakal at sa ating pagiging mas mabilis po ng ating economic empowerment ng ating mga kababayan especially with Mindanao, very important ang ganitong programa para makahabol pa lalo ang progress ng ating Mindanao Group of Islands provinces at mga LGU. This will truly help us to compete of what we have especially to our natural resources, our farmlands and our rich vast of the lands that we have. Ito po ay nagbibigay ng napakalaking opportunity for the whole country to benefit to what Mindanao has,’’ ani Gov. Datu Pax Ali Sangki Mangudadatu.
Sa huli, tiniyak ng DA na hindi lamang ito ang mga proyektong ilulunsad pa para sa kapakanan ng mga mangingisda at magsasaka.