Mga pulis, dapat maging ehemplo sa pagsunod sa health protocols —Eleazar

Mga pulis, dapat maging ehemplo sa pagsunod sa health protocols —Eleazar

PINAAALAHANAN ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar ang mga pulis na maging mabuting ehemplo sa pagsunod sa minimum public health safety standards kontra COVID-19.

Ito ay matapos mag-viral sa social media ang ilang Quezon City Police na naninita ng mga walang suot na face shield pero sila mismo ay hindi rin nakasuot nito.

Ayon kay Gen. Eleazar, hindi seseryosohin ng publiko ang mga regulasyong ipinatutupad kung makikita nilang hindi ito sinusunod mismo ng mga pulis.

Kasabay nito, inatasan ni Eleazar ang Quezon City Police District (QCPD) upang pagpaliwanagin ang commander ng Station 16 sa nangyari.

Tiniyak din ng Chief PNP na hindi niya kukunsintihin ang mga ito na lumalabag sa batas at hindi maayos ang pakikitungo sa publiko.

 

SMNI NEWS