DAPAT gumawa ng public apology ang mga police personnel na sangkot sa isang leaked video ng namayapang aktor na si Ronaldo Valdez.
Ito ang ninanais ngayon ng aktor na si Janno Gibbs at ang kanilang buong pamilya.
Ayon kay Lorna Kapunan na siyang abogado ng kampo ng mga Gibbs, dapat walang leakage kung nagpapatuloy ang isang investigation.
Ibig sabihin, dahil sa leaked video ay may mishandling na nangyayari sa hanay ng mga pulis lalo na’t lumabas ito sa araw rin na pumanaw si Valdez.
Noong Disyembre 2023 ay natanggal naman sa puwesto ang dalawang pulis na sangkot sa leaked video.
Matatandaang Disyembre 17, 2023 nang pumanaw ang beteranong aktor na si Valdez.