P19-B, inilaan para sa health emergency allowance ngayong 2024—DBM

P19-B, inilaan para sa health emergency allowance ngayong 2024—DBM

INILAHAD ng Department of Budget and Management (DBM) na naglabas na ito ng P18.96-B para sa health emergency allowance ng COVID-19 healthcare at non-healthcare workers ngayong 2024.

Ayon sa ahensiya, mula sa P88.14-B na budget para sa COVID-19 health emergency allowance, nasa P24.19-B ang nagastos noong 2022 habang nasa P30.1-B ang para sa taong 2023.

Dahil nasa P18.96-B ngayong taon, nasa P14.88-B na lang ang natitira para tuluyang maipatupad ang programa.

Sinabi ni DBM Sec. Amenah Pangandaman, sisikapin nilang mai-release ang natitirang pondo alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble