Mga pulis, pinaalalahanang manatiling “politicaly neutral” sa 2025 elections

Mga pulis, pinaalalahanang manatiling “politicaly neutral” sa 2025 elections

KASADO na ang latag ng seguridad ng Philippine National Police (PNP) para sa pagsisimula ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) bukas, Oktubre 1, 2024.

Ito ang tinuran ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil kasabay nito ang pakikipag-ugnayan nila sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan hinggil dito.

Kaugnay rito, mahigpit ang tagubilin ni Marbil sa mga tauhan nito na tutukan ang seguridad ng publiko at panatilihin ang integridad ng halalan.

Binilinan nito ang mga pulis na huwag magpadala o magpabulag sa impluwensiya ng politika at manatiling “neutral” o walang kinikilingan.

Nabatid ayon sa Commission on Elections (COMELEC) na hanggang Oktubre 8 tatagal ang filing ng COC para sa 2025 mid-term elections mula sa national hanggang local level.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble