UPANG maiwasan ang heat cramps o heat stroke sa mga pulis partikular na sa mga nasa lansangan, pinayuhan ang mga ito na sumilong, at palaging uminom ng tubig.
Ipatutupad naman ang buddy system upang makasilong ang mga kapulisan from time to time at patuloy na pinapaalalahanan ang mga ito na manatiling hydrated upang hindi magkasakit.
“Yung buddy system ay ipatupad para from to time ay nakakasilong din yung ating mga kapulisan particularly yung nagpapatrol sa gitna ng araw. Hindi naman sila pinagbabawalan sumilong lalo at nasa katirikan ng araw at paalala ng ating health service na umiikot ngayon para tingnan yung mga kundisyon ng mga pulis natin, although sa mga police posts, mga PADs ay naglagay na tayo doon ng mga water bottle, water canister and water gallons ay para from time to time makainom sila at manatiling hydrated upang hindi magkasakit,” saad ni PNP-PIO Chief PCol. Jean Fajardo.