Mga pulitiko, hinimok na iulat sa pulisya kung may banta sa kanilang buhay

Mga pulitiko, hinimok na iulat sa pulisya kung may banta sa kanilang buhay

DAPAT na ipagbigay-alam ng mga pulitiko sa pulisya kung may natatanggap silang pagbabanta sa kanilang buhay.

Ito ay panawagan ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. kasunod ng insidente ng pananambang kina Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong Jr. at Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda.

Ayon kay Azurin, mainam kung maiuulat sa pulisya kung makatanggap ng pagbabanta ang mga pulitiko upang matukoy ang posibleng suspek sakaling may di inaasahang pangyayari.

Kasabay nito, tinitingnan ng pulisya ang lahat ng anggulo sa paglutas ng kaso ng pananambang kina Adiong at Alameda.

Patuloy rin ang ipinatutupad na “preventive security measures” para maiwasan ang mga kahalintulad na insidente.

Follow SMNI NEWS in Twitter