CEBU CITY — Nanawagan ang mga residente ng Barangay Luz, Cebu City sa Commission on Elections (COMELEC) na tiyaking magiging malinis, tapat, at walang dayaan ang nalalapit na halalan ngayong Mayo.
Ginawa ang panawagan sa gitna ng ginanap na Ayusin Natin ang Pilipinas Campaign Rally, kung saan dumalo ang mga taga-suporta ng DuterTEN senatorial slate upang ipahayag ang kanilang suporta at sabay na manawagan ng patas na eleksyon.
Ayon sa mga residente, mahalaga ang pagbabantay sa boto lalo na sa mga lugar na may kasaysayan ng electoral fraud. “Igalang ang boto ng taumbayan. Sana’y hindi masayang ang aming tiwala sa proseso, lalo na para sa mga kandidatong tunay naming sinusuportahan,” ayon sa isang lumahok sa pagtitipon.
Umaasa ang mga taga-Barangay Luz na magiging maayos at mapayapa ang halalan, at mananalo ang mga kandidatong tunay na maglilingkod sa bayan.