Mga residente ng New South Wales, hinihikayat na magtipid sa kuryente

Mga residente ng New South Wales, hinihikayat na magtipid sa kuryente

NANAWAGAN ang Energy Minister ng Australia sa mga residente ng New South Wales na magtipid sa kuryente.

Ayon kay Chris Bowen, hindi dapat gumamit ng elektrisidad ang mga residente 2 oras bawat gabi kung maaari.

Tiwala si Bowen na mula rito ay maiiwasan na ang pagkakaroon ng blackouts sa bansa.

Una na ngang nasuspinde ang buong electricity market ng Australia dahil sa taas ng presyo nito.

Dahil dito nanawagan si Bowen sa mga residente ng New South Wales na magtipid sa kuryente kung maaari.

Ilang electricity producers naman sa bansa ang nagkaroon ng dagdag-singil sa presyo nito kasunod ng pagtaas din ng presyo ng coal at gas dahil sa kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Matatandaan na ang Australia ang isa sa pinakamalaking exporter ng coal at liquefied natural gas pero simula noong nakaraang buwan ay nakararanas ang bansa ng krisis sa enerhiya.

Follow SMNI NEWS in Twitter