COVID-19 vaccine ng Pfizer sa mga bata, epektibo at ligtas

COVID-19 vaccine ng Pfizer sa mga bata, epektibo at ligtas

NAGPAHAYAG ang Food and Drug Administration (FDA) ng opinyon sa isang pagpupulong kamakailan kung saan ang mga eksperto ay boboto kung maaari nang ipamahagi para sa 18 milyong populasyon ng mga bata sa Amerika ang COVID-19 vaccine, matapos na lumitaw na ito ay ligtas at epektibo.

Ang mga kid-sized na dosis ng bakunang COVID-19 ng Pfizer ay nagpakita na ligtas at mabisa para sa mga batang wala pang 5 taong gulang.

Gayunpaman, ang mga opisyal ng kalusugan ay boboto kung handa na ang mga pag-shot at inokulasyon nito sa mahigit 18 milyong populasyon ng mga bata sa Amerika.

Ito ang inilabas na resulta ng FDA mula sa COVID-19 vaccine ng Pfizer sa mga kabataang edad 5 pababa pagkatapos mabakunahan.

Kaya ngayon, ang mga eksperto ay magbobotohan kung ang mga bakuna ay maaari nang aprubahan at ipamahagi sa mga bata, pre-schooler, at maging ang mga sanggol.

Kung aprubado na ng mga regulator ang mga bakunang ito, mas maraming vaccines ang maaaring maipadala sa susunod na linggo ng drug companies mula sa gobyerno.

Maraming mga magulang ang umaasa na ang kanilang mga anak ay makatatanggap ng bakuna sa lalong madaling panahon.

Ang edad na 6 na buwan hanggang 4 na taon ay 3% lamang ng mga kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos.

At nagtala rin ito ng mas maraming pagpapa-ospital at mas mataas na rate ng kamatayan kumpara sa mas nakatatanda, ayon sa pag-aaral ng FDA.

Follow SMNI NEWS in Twitter