Mga San Joseñian naliwanagan sa maling impresyon kay Pastor Apollo C. Quiboloy

Mga San Joseñian naliwanagan sa maling impresyon kay Pastor Apollo C. Quiboloy

NAGISING ang kamalayan ng maraming San Joseñians matapos nilang personal na masaksihan at mapakinggan ang mga adbokasiya at mensahe ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy—ang ngayo’y kandidato sa pagkasenador sa ilalim ng PDP-Laban.

Dahil dito, unti-unti nang nabubura ang mga negatibong impresyon na pilit na ikinakabit sa pangalan ng Butihing Pastor.

Ayon kay Kimberly de Guzman, isa sa mga residente ng San Jose City, hindi siya nagpapadala sa mga kontrobersiyang ibinabato kay Pastor Quiboloy, lalo na’t nakikita naman aniya niya ang katotohanan sa likod ng mga isyung ito.

“Sa mga isyu para sa akin negative, kasi napapatunayan din naman siya na ‘yung mga sinasabi ng iba, hindi totoo,” saad ni Kimberly de Guzman, Residente, San Jose City.

Para naman kay Grace Villajuan ng bayan ng Pantabangan, maganda ang layunin ng Butihing Pastor para sa ating bansa.

“Eh masasabi ko naman po sa napakinggan ko sa kanyang programa, ayos naman po, maganda ang kanyang layunin sa ating bayan sa pagbabago ng ating Pilipinas na maayos, ‘yun po,” ani Grace Villajuan, residente ng bayan ng Pantabangan.

Isa sa mga pinaka-pinahahalagahan ni Grace sa mga isusulong na programa ng Butihing Pastor ay ang pagtutok nito sa pagpapalawak ng serbisyong medikal para sa bawat Pilipino lalo na sa mga nangangailangan.

Maliban dito ay ang pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa pamamagitan ng libreng edukasyon para sa mga kabataang Pilipino—mga hakbang na aniya’y tunay na magtataguyod sa kinabukasan ng bansa.

“Ay ang gusto ko po na isusulong niya sa kanyang pinangako, yung libreng mga gamot sa may mga sakit at saka ‘yung mga iskolar na kanyang gagampanan, gagawin niya para sa mga kabataan,” dagdag ni Villajuan.

Sabi niya, panahon na rin para palitan ang mga politikong wala namang nagawa sa ating bayan.

Bago pa man matapos ang isinagawang “Ayusin Natin ang Pilipinas” Campaign Rally, ay nagpaabot ng kani-kanilang birthday wish ang mga solid supporters ni Pastor Quiboloy.

Dalangin nga ni Grace na sana ay tuluyan nang maibasura ang mga kasong ibinabato laban sa Butihing Pastor—mga alegasyong, aniya, ay wala namang katotohanan.

Sa ganitong paraan, umaasa si Aling Grace na matutupad ni Pastor Quiboloy ang kaniyang mga pangarap at plano para sa ikabubuti ng sambayanang Pilipino.

“Belated happy birthday Pastor Quiboloy, wish ko ‘yung wishes, ‘yung wish ninyo na magiging senador at isa kayo sa magiging lider na ‘yung may pagbabago, ‘yung pananaw ninyo ay sana’y matupad. Ipanalangin natin na naway matupad lahat ang inyong pangarap, at ganoon din sa lalong-lalo na sa magiging kabataan at future pang kabataan,” ayon kay Marina C. Correa, Retired Teacher, San Jose City.

Daan-daang supporters ni Pastor Apollo C. Quiboloy mula sa iba’t ibang bahagi ng San Jose City, maging sa mga bayan gaya ng Lupao, Carranglan at Pantabangan ang nakiisa sa isinagawang “Ayusin Natin ang Pilipinas” PDP-Laban Simultaneous Campaign Rally sa Brgy. Abar 1st, San Jose City nitong araw ng Linggo, Abril 27.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble