Mga senador nanawagan ng proteksyon para kay VP Sara Duterte

Mga senador nanawagan ng proteksyon para kay VP Sara Duterte

TATLONG senador ang naghayag ng pagkabahala sa political harrassment na naranasan ni Vice-Presidente Sara Duterte.

Ito ay kasunod ng pagkakatanggal ng pitumput-limang PNP personnel na naka assign sa Vice Presidential Security and Protection Group o VPSPG na wala man lamang abiso.

Unang nanawagan si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa mga dating personnel ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na mag-volunteer bilang security escort ni VP Inday.

Ginawa ni Senator Bato ang panawagan sa kanyang social media account matapos maglabas ng open letter si Inday Sara laban kay Philippine National Police Chief General Rommel Marbil.

Sa liham ni VP Inday tinanawag nito na political harrassment ang ginawa sa kanya at binanggit rin niya na sinungaling si PNP chief Marbil.

Ang ginawang panawagan ni Sen. Bato ay sinegundahan naman ni Senador Robin Padilla sa social media.

Hinangaan ni PAdilla ang naging kilos ni Bato na dating PNP Chief pero mga dating rebelde naman ang hinikayat ni Padilla na  magvoluntter na maging security escort ng bise presidente.

“Nananawagan naman po ako sa lahat ng mga dating rebelde na mayroon ng mga tamang papeles ng pagsuko at amnestiya. Kayong may kaalaman sa penjak silat/kali/eskrima at handang suma ilalim sa pagsasanay, pagsusuri, clearances at approval ng opisina ng Pangalawang Pangulo,” ayon kay Sen. Robinhood “Robin” Padilla.

Nais ni Padilla na magpalista sa opisina ng Pangalawang Pangulo ang mga nagbalik loob na dating rebelde na may kaalaman sa martial arts.

Naniniwala si Padilla na isang karangalan na magsilbi sa leadership ni Duterte na dating vice-chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed conflict (NTF-ELCAC).

Kaugnay nito ay pinaalalahanan naman ni Sendor Bong Go ang PNP na ‘wag maging selective at gawing tama ang kanilang trabaho.

Ang pulis ani Go ay dapat manatiling tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin at hindi sa anumang political agenda.

‘’Mahal po namin kayo. Kaya lang po ang pakiusap ko lang naman lalo na sa panahon ng pagsubok nanangyayari sa ating bansa, pinapaaalala ko lang po sa liderato at buong hanay ng pambansang pulisya na matiling tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin at wag magpagamit sa anumang political agenda,’’ ayon kay Sen. Bong Go.

Inilahad ni Go na bukod kay VP sara ay kabilang din siya sa tinanggalan ng security personnel mula sa PNP tatlong linggo na ang nakararaan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble