NAGSAGAWA ng peace rally ang mga residente ng San Ysiro, Barangay San Jose, Antipolo City bilang pagtutol sa posibleng pagbabalik ng mga armadong grupo, partikular ang CPP-NPA Rizal at Central Luzon.
Ang pagtitipon ay isinagawa kasunod ng sunod-sunod na engkuwentro sa pagitan ng 80th Infantry Battalion at teroristang CPP-NPA sa lugar.
Pinangunahan ng mga lokal na lider at residente ang rally upang palakasin ang adbokasiya para sa kapayapaan at seguridad sa kanilang komunidad.
Ayon sa 80th IB, ang mapayapang pagkilos ay nagpapakita ng suporta sa mga hakbang ng gobyerno upang mapanatili ang katahimikan sa Rizal, na ngayo’y itinuturing nang isang insurgency-free na probinsiya.