ISA sa apat na nahuling suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo ay naging escort ni Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez noon.
Tinanggal lang aniya ito dahil gumagamit ng droga.
Sa natanggap naman na impormasyon ni Special Investigation Task Group (SITG) spokesperson LtCol. Gerard Ace Pelare, ‘dishonorably discharged’ mula sa kanilang serbisyo noon ang mga nahuling suspek.
Samantala, hinggil sa update ng imbestigasyon, may impormasyon na ang SITG kung kanino naka-rehistro ang sasakyan subalit hindi lang nito maisapubliko sa ngayon.
Tinatayang nasa 10-12 pang suspek ang patuloy na tinutugis sa pagpatay kay Gov. Degamo.
Namatay si Degamo umaga nitong Sabado, March 4, 2023.
9:50 am nang nakipagpulong si Degamo sa kanyang mga nasasakupan sa kanyang residential compound sa Pamplona, Negros Oriental nang pumasok ang mga suspek.
Nakasuot ang mga ito ng military uniform, bulletproof vests at dala-dala ang long firearms.