TINIYAK ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na ipagpapatuloy nila ang serbisyo ng ahensiya sa Negros Oriental.
Ito’y sa gitna ng ‘political fear’ sa rehiyon matapos ang pagkakapaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Kaya bilang pagtanaw sa lahat ng mga nagawa ng yumaong opisyal ay ipagpapatuloy ng kagawaran ang operasyon ng DSWD sa probinsiya.
‘’In honor of the Governor, we will continue to provide the services in his province despite the political fear,’’ ani Gatchalian.
Nakiramay naman si Gatchalian sa pamilya Degamo at sa lahat ng nadamay sa insidente lalo na’t sa mismong payout day nila na 4P’s nangyari ang pagpaslang.
Siniguro naman ng kalihim na pag-iigihin pa nilang lalo ang pagbibigay serbisyo sa constituents ni Degamo bilang pagtanaw sa alaala nito.
Mariin namang kinondena ng kalihim ang malagim na pamamaril sa gobernador at iginiit na walang puwang sa mundo ang lahat ng uri ng karahasan.
