Special Investigation Task Group, binuo matapos ang pag-atake sa isang bus sa Tacurong City

Special Investigation Task Group, binuo matapos ang pag-atake sa isang bus sa Tacurong City

BUMUO na ang Philippine National Police (PNP) ng Special Investigation Task Group (SITG) matapos ang pag-atake sa isang pampasaherong bus sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, nais ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na magkaroon ng malalimang imbestigasyon sa insidente.

Nabatid na isa ang nasawi at 11 iba pa ang nasugatan.

Mayroon na ring persons of interest ang pulisya.

Maswerte naman na narekober ang ikalawang device na posibleng magdulot ng matinding pinsala sa iba pang sibilyan.

Follow SMNI NEWS in Twitter