Mga taga-Baguio City iginiit na mas ligtas sila sa ilalim ng Duterte admin

Mga taga-Baguio City iginiit na mas ligtas sila sa ilalim ng Duterte admin

BILANG isang magulang, aminado si Pastor Mon Borromeo ng Baguio City na hindi na ligtas ang panahon ngayon.

Aniya, hindi tulad noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kung saan kahit sa kalaliman ng gabi, walang pangamba ang mga magulang para sa seguridad ng kanilang mga anak at pamilya.

Ito’y isang malinaw na patotoo mula sa mga nakaranas ng kaginhawaan at kapayapaan noong nakaraang administrasyon.

Unity walk at prayer rally, ikinasa ng Muslim community at religious groups para kay FPRRD sa Baguio City

Ito rin ang dahilan kung bakit ikinasa ang “Bring Him Home: A Prayer Rally for Tatay Digong” sa Baguio City—isang malakas na panawagan para sa kaniyang pagbabalik at patuloy na paglilingkod sa bansa.

Mariing giit ng mga dumalo—noong panahon lang ni Duterte nagkaroon ng takot ang mga kriminal, drug lords, at mga korap—isang matapang na pamumuno na siya namang kabaligtaran ngayon sa ilalim ng Marcos Jr. administration.

“Mas safe talaga noong panahon ni Duterte,” saad ni Ptr. Mon Borromeo Former Drug Dependent, Baguio City.

Malaki ang takot ni Pastor Mon para sa kaniyang mga anak, na huwag sanang maimpluwensiyahan ng masasamang gawain dahil sa lantarang kriminalidad at laganap na ilegal na droga sa bansa.

Alam niya kung ano ang kinabukasang naghihintay sa kanilang henerasyon kung magpapatuloy ang kawalan ng aksiyon sa ilegal na droga—sapagkat siya mismo, minsan ay nabiktima rin nito.

Bukod sa grupo ng mga pastor, nagtipon-tipon din ang iba’t ibang sektor at mga kabataan para makiisa sa isinagawang unity walk. Isa itong malinaw na pagpapahayag ng kanilang solidong suporta at walang humpay na pagmamahal para sa dating Pangulo ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble