Mga tanong sa 990 kilo ng shabu sa Maynila, inaasahang mabibigyang-linaw na

Mga tanong sa 990 kilo ng shabu sa Maynila, inaasahang mabibigyang-linaw na

UMAASA ang Philippine National Police (PNP) na mabibigyang-linaw na ang mga katanungan sa 990 kilo ng shabu na nasabat sa Maynila noong Oktubre 2022.

Ito ay matapos ilabas ng 5-man advisory group ang resulta ng imbestigasyon sa 2 police generals at 2 police colonels na isinasangkot sa ilegal na droga.

Ayon kay Acorda, kabilang sa inaasahan nilang masasagot ay kung paano naipon ang 990 kilo ng shabu sa warehouse sa Maynila at ang source nito.

Habang hindi pa makumpirma ng Chief PNP kung ang 4 na opisyal ay may kaugnayan kaya nakabalik sa puwesto noon si Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr.

Si Mayo ay miyembro ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) na naaresto sa anti-illegal drugs operation sa Maynila at kalaunan ay nasibak din sa serbisyo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter