Mga taong grasa, posible ring magpositibo sa COVID-19

MAAARI pa ring magpositibo sa COVID-19 ang mga taong grasa o ang mga palaboy.

Ito ang tahasang sinabi ni Dr. Ferdinand de Guzman ng San Lazaro Hospital kaugnay sa katanungan ng mga netizen kung totoo bang hindi nahahawaan ng virus ang mga taong grasa.

Bagama’t biro ng ilang doktor na maaaring malakas na ang immune system ng mga ito, naniniwala pa rin si De Guzman na posible pa ring mahawaan ang mga ito ng impeksyon.

Dagdag pa ni De Guzman, marami na ang namamatay sanhi ng COVID-19 hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo dahil walang pinipiling kapitan ang virus.

SMNI NEWS