PINASALAMATAN at pinapurihan ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang mga tauhan nito dahil sa kanilang sipag at katapatan sa serbisyo.
Ito ay dahil kahit buwan pa lamang ngayon ng Nobyembre ay nalagpasan na ng BOC ang annual revenue collection target nito na P721.52-B para sa kabuuang taon ng 2022.
Ipinaliwanag ng Customs na umabot na kasi ang kanilang kinita sa P745.50-B nitong Nobyembre 11 at ito aniya ay mas mataas ng P23.98-B o katumbas ng 3.27 percent.
Nilinaw ni Ruiz na naabot ng BOC ang kabuuang collection target dahil subra-sobra o lagpas din ang nakolektang buwis ng kanilang 17 collection districts sa buong bansa.