MAGPAPATUPAD ng ‘no day off, no absent policy’ sa lahat ng traffic enforcers ngayong Undas ang Metropolitan Development Authority (MMDA).
Ayon kay MMDA spokesperson Mel Carunungan, saklaw ng naturang polisiya ang nasa 1,500 traffic enforcers na ipakakalat ng ahensya sa Metro Manila.
Kabilang sa tututukan ng mga MMDA traffic enforcer ang mga bus terminal sa EDSA at mga malalaking sementeryo sa Metro Manila.
Paiigtingin din ng MMDA ang pagpapatupad ng minimum public health standards sa mga terminal ng bus para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.