HINDI papayagang lumabas ng US bases ang mga tropa ng Amerikano sa Japan sa loob ng dalawang linggo.
Ang anunsyo ay kasunod ng pagpapatupad ng gobyerno ng mga bagong restriksyon sa tatlong rehiyon kabilang na ang Okinawa na nagho-host ng pangunahing US bases sa bansa.
Maraming opisyal ng Japan naman ang naniniwala na ang kasalukuyang Covid-19 cluster ay mula sa infected servoce members na dumating kasama ang mga lokal na residente.
Noong nakaraang Biyernes ay nagbabala ang mga dayuhan at defense minister ng bansa sa kanilang US counterparts na magpatupad ng istriktong anti-pandemic rules sa US troops.
Samantala, ang mga service members ay kinakailangan ring magsuot ng mask kung sila ay nasa labas ng kanilang mga tahanan.
Matatandaan na noong kalagitnaan ng buwan ng Disyembre, ang US military ay nag-ulat ng mga cluster ng kaso sa mga miyembro nito sa Southern region ng Okinawa.