Mga tsuper, operator ng pampublikong sasakyan, makatatanggap ng ayuda—LTFRB

Mga tsuper, operator ng pampublikong sasakyan, makatatanggap ng ayuda—LTFRB

 PINAG-aaralan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga public utility vehicle (PUV) driver.

Kasunod ito ng pagtaas ng presyo ng krudo nitong mga nakaraang linggo.

Ayon kay LTFRB chairman Asec. Teofilo Guadiz III, maaring ipamahagi na ng gobyerno ang P6,000 fuel subsidy sa mga tsuper at operator traditional jeep, modern jeep, UV express, taxi at tricycle.

Wala pang pinal na desisyon kung ito ba ay isang bagsakan na pamamahagi ng ayuda lalo’t nasa P2.5-B lamang ang pondo.

Sa pulong balitaan, biniyang-diin ng mga transport group na maliban sa mahal na krudo at tumaas na rin ang presyo ng mga piyesa at maintenance ng kanilang mga sasakyan.

Pero, pagkatapos ng Disyembre 31 na siyang deadline ng PUV modernization ay tanging modernized jeep at mga transport group na bumuo ng kooperatiba o korporasyon ang mabibigyan na lamang ng ayuda ng gobyerno.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter