PANSAMANTALA munang ipinagbabawal ang mga turista na lumapit sa mga istraktura na bahagyang nasira ng magnitude 7 na lindol na tumama sa Abra na nakaapekto sa Vigan at sa ibang bahagi ng Northern Luzon.
Ito ang inihayag ni Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC)-Region 1 Spokesperson Mark Masudog sa panayam ng SMNI News.
Magugunitang, bahagyang nagkaroon ng sira ang ilang mga gusali sa Vigan na isa sa kilalang tourist destination sa Norte.
Nag-viral din ang isang video kung saan nakita ang unti-unting pagbagsak ng mga debris mula sa Bantay Bell Tower sa Ilocos Sur.
Sa ngayon, patuloy na nakikipag-ugnayan ang LDRRMC-Region 1 sa mga local government unit (LGUs).
Pagdating naman sa kuryente, patuloy ang suplay ng tubig at kuryente sa Ilocos Region maliban lamang sa power interruption na naranasan sa Badoc, Ilocos Norte.